Are you sure you want to report this content?
Kung saan tayo dalhin ng ating mga paa
Doon tayo magpapahinga.
Yun ang sabi mo nang ang puso ko'y malungkot
Ngunit dahil sayo'y naging masaya.
Nagpatuloy tayo sa paglalakbay
Tinungo ang daan ng lumbay
At lungkot ng mga pusong patay.
Mata mo'y aking nasilayan
Umaasang ika'y magsasabi na ako'y
Di mo iiwanan.
Ika'y ngumiti at ako'y naliwanagan
Pag-ibig mo'y totoo at di mapapantayan
Naniwala sa nakita,
Mga pasa'y naglaho ng parang bula,
Basag na puso'y nabuo na lang bigla
Sariling paniniwala nagbigay ng liwanag
Sa madilim na daan ng pusong nalunod na sa pagtitiwala.
Ngunit hindi nagtagal,katutuhana'y lumitaw
Masakit magpanggap
Ngunit pinilit ngumiti ng pusong may pighati
Umasang iibigin ng kahit konti.
Akala ko'y sabay tayong magpapahinga
Ngunit kailangan ko nang itigil ang aking mga paa
Pagkat' kailangan mo na ring makahanap
Ng mas maliwanag na lampara
Para samahan ang iyong pusong nag-iisa.
Pasensya na. Pinapalaya na kita.
50 Launches
Part of the Love collection
Published on April 14, 2018
(3)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.